Home » Archives » August 2010
Haysss…
August 28, 2010Love..love..love..matters of the heart..heto ka na naman.. Hindi pa man nagiging masaya, malungkot na agad ang kapalit.. Ganun ba talaga yun? Madali para sa iba..pero bakit sa akin parang bar exam na kailangan mong ipasa? Mahirap mag expect ng isang bagay na tingin mo ay malabo pa sa sabaw ng pusit mo makukuha. Mahirap mag assume na sa kabila ng magandang ipinapakita, mali ang akala mong may iba na syang ipinaparamdam. Mahirap magpretend na ok ka, kahit deep inside sobrang nagdadalamhati ka sa isang bagay na sobrang ikinalulungkot mo. Mahirap maghanap ng solusyon kung sa sarili mo hindi mo makitang may makikita kang solusyon. OO alam kong sa lahat ng problema ay may kaakibat na solusyon… Yun nga lang minsan nakakatakot harapin, pero kailangang harapin. Dun mo lang makikita at mapapatunayang kaya mo. Kaya ko naman, sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, ng mga taong nakapaligid sa akin. Sa taong nagiging dahilan kung bakit may ganito akong pakiramdam sa ngayon. In time magiging ok rin ang lahat, naniniwala pa rin ako sa positivity… Na magiging masaya din ang pakiramdam ko balang araw…


