Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » (Blangko)….

(Blangko)….

October 5, 2009

Blangko ang utak ko ngayon, wala akong maisip na magandang topic na pwedeng maipost sa blog na ito. Blangko rin ang isip ko habang ako’y nasa byahe gawa ng matinding pagkaantok. Blangko rin ang isip ko at tila parang nakalutang habang nakatitig sa kawalan. Hindi po ako nakadrugs, hindi po ako lasing at lalong hindi rin po ako adik. Marahil may hang over pa ako sa nagdaang kalamidad kaya feeling ko ay na wash away din ng baha yung mga ideas na pwede kong ibahagi sa inyo ngayon. Although di naman ako ganun kaapektado ng kalamidad matindi pa rin ang naging impact nito sa akin. Gaya nga ng nasabi ko sa previous post ko, maraming realization ang aking napagtanto, na mahalaga ang buhay.. Pag-ingatan natin ito at gawin natin ang tama at makabubuti hindi lamang sa pansariling kapakanan natin kundi para makatulong at maging inspirasyon sa ating kapwa. Salamat sa pagbisita, sana next tym may maisip na akong magandang topic na pwede kong maishare sa inyo. Have a nice day po sa lahat and God Bless…

 

Posted by starlight at 4:08 pm | permalink

Add a comment