To Help or Not to Help…
September 15, 2009
Nalilito na ako sa kung anong dapat kong gawin…Kwento ko sa inyo ha, may isang araw kasi na sa aking paguwi galing trabaho habang nakasakay sa isang jeepney eh may sumakay na isang batang nakauniporme at mukhang galing ng eskwela. Nung nakaupo na sya ay bigla kong nabaling sa kanya ang aking atensyon. Bakit? Eh kasi naman ganito yun, tila bagang meron syang hinahanap na di ko mawari kung ano. Mantakin mo, ang mukha nya parang iiyak, na sambakol, na parang papel na lukot, na parang nagoyo ng mas bata sa kanya, na parang nalugi sa negosyo, na parang bumagsak sa exam, na parang balagong sa patintero. Ganun ang kanyang hitsura kung aking idedescribe. So ayun na nga habang nasa kanya ang aking atensyon, at habang pinagmamasdan ko sya, eh nilusot nya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa, dalawang magkabilang bulsa (kaliwa’t kanan) at iniluwa ang bulsang walang kalaman laman. At di pa natatapos jan, binuksan din nya ang kanyang bag na may lamang mga gamit pang eskwela at naghalungkat ng bagay na di ko alam kung ano. Binuklat ang bawat pahina ng nowtbuk, pahina ng aklat, binuksan ang bawat bulsa ng kanyang bag habang ang mukha nya ay (parang iiyak, na sambakol, na parang papel na lukot, na parang nagoyo ng mas bata sa kanya, na parang nalugi sa negosyo, na parang bumagsak sa exam, na parang balagong sa patintero) ulitin daw ba? So ayun na nga, sa kahabaan ng byahe ay napag tanto kong baka walang pamasahe ang kaawa-awang bata. So nung tingnan ko ang aking bulsa at coin purse ay 6 pesos na lang ang aking barya. Nagdadalawang isip pa ako kung iaabot ko sa kanya ang aking munting tulong pero alangan ako na baka hindi naman pera ang hinahanap nya. Pero nanaig pa rin yung hinala kong wala syang pamasahe kaya iniabot ko na lang sa kanya ang 6 pesos na barya (ok lang naman yun kasi estudyante sya at 6 pesos lang talaga ang pasahe). So ayun na nga, nung iabot ko ang barya ay parang walang nangyari. Balik pa rin ang bata sa kanyang paghahalungkat sa magkabilang bulsa at sa loob at bulsa ng kanyang bag habang ang mukha nya ay (parang iiyak, na sambakol, na parang papel na lukot, na parang nagoyo ng mas bata sa kanya, na parang nalugi sa negosyo, na parang bumagsak sa exam, na parang balagong sa patintero) isang ulit pa..(hehehe).
Nawindang naman ako sa batang yun, di ko alam kung kulang ba ang pamasaheng iniabot ko or talagang may hinahanap pa syang importanteng bagay..nagkataong may katabi akong college student, at nagpaabot rin sya ng barya, pero ganun pa rin ang hilatsa ng mukha ng bata. Hindi ko na alam kung anong problema nya, pero nakakapagtaka lang na wala man lang isang salita mula sa bata (ni simpleng pasasalamat). Wala lang curious lang talaga ako kung anong meron sa kanya…Hanggang sa bumaba na ako ng jeep ay parang puzzle pa rin para sa akin kung anong meron sa batang iyon. Wala lang nashare ko lang kasi baka may ganung experience din kayo na may pagkaweird… =D
Bakit ganun ang title ng post ko? To Help or Not to Help..? Sa panahon kasi natin ngayon mahirap na rin ang magbigay ng tulong, although madali lang naman talaga ang tumulong kaya lang ang punto ko minsan eh nakakatakot nang tumulong, di ba nga kasi merong ibang tinulungan mo pero kasapakat pala ng isang sindikato or holdaper or kaya naman minsan WOW MALI or YARI KA lang pala na biglang may gugulat sa iyo (nakakahiya pa pag nakita ka ng mga kaeskwela, opismeyt, kaibigan at kapitbahay mo sa TV na na Wow Mali or Na YARI ka..nakakahiya kaya yun). So di ba? kung iisipin madali lang magbigay ng tulong pero sa panahon natin ngayon, nakakatakot na rin. Pero kung feel mong tumulong, tumulong ka, maging mapagmatyag at mapanuri na lang din sa mga taong bibigyan mo ng tulong. Payong kaibigan/kapatid lamang para makaiwas sa gulo at kapahamakan….So paano..INGAT!!!


