Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Manong Jeepney Driver…

Manong Jeepney Driver…

September 9, 2009



Parte na ng buhay natin ang makasalamuha ang mga manong jeepney driver na syang naghahatid sa atin papunta sa ating paroroonan. Maliban na lang kung ikaw ay isang anak mayaman na simula ng ipanganak ka eh di pa nakararanas na makasakay sa isang pampublikong sasakyan. Kung ikaw ay isang rich kid malamang eh hindi ka makarelate sa post kong ito, pero sige lang ituloy mo lang ang pagbabasa ng madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa ating friendly neighborhood na si Manong Jeepney Driver. Ilan lamang sa mga sumusunod ang aking obserbasyon sa tuwing sasakay ako sa isang pampublikong sasakyan, partikular na ang jeepney na para na rin nating pambansang sasakyang panglupa dito sa Pinas.

1) May drayber na nakasando lang o minsan naka polo na nakabukas ang butones na feeling nya eh sya si Fernando Jose… (feeling gwapo ba..)
2) May drayber na iba’t iba ang style ng pag aabot ng bayad/sukli  (over the shoulder, long stretch of the arm, pailalim na pagabot ng bayad, nakagilid na katawan at aabutin ang bayad/sukli)
3) May drayber na may maduduming mga kuko, malamang kakagaling lang nya sa pag-kumpuni ng kanyang mahal na sasakyan.
4) May drayber na nagyoyosi kahit na ipnagbabawal na ito sa mga pampublikong lugar
5) May drayber na bumibili ng candy, dyaryo, basahan at sampaguita kung saan suki na sya ng mga nagbebenta nun sa kalsada
6) May drayber na malakas na nagpapatugtog ng radyo, pero malupit pa rin ang pandinig pagdating sa pagbabayad ng mga pasahero
7) May drayber na minsan ay may VCD/CD installed pa sa kanyang jeep at magpapatugtog ng mga remix na sounds na nakakapagpakabog ng iyong dibdib sa lakas ng BASS.
8) May drayber ding bingi at nagbibingihan na pagpara mo eh aabutin ka pa ng ilang metro bago mahinto ang sasakyan.
9) May drayber na walang amoy, meron ding di mo mawari kung anong amoy..hehe (minsan manong mag-goli naman bago pumasada) lalo na sa mga naka sando lang at laging naka expose ang mga leki-leki..
10)  May drayber na di nakakalimot na magpaalala sa mga pasaherong hindi pa nakakapag abot ng kanilang bayad o pasahe.
11) May drayber na nakakalimot ng magbigay ng sukli, kunwari eh wala pang barya hanggang sa malilimutan na ng pasaherong di pa sya nasusuklian (hayss nabiktima na ako ng ganyang istilo eh…)
12) May drayber na nagbababa sa tamang babaan
13) May drayber na nagbababa sa gitna ng kalsada
14) May drayber na di pa nakakababa yung bababang pasahero eh aandar na agad (tama ba naman yun?)
15) May mga drayber na pilit pa ring magpapasakay sa kanyang jeep kahit na super gitgitan at hindi na makaupo yung huling sumakay na pasahero.
16) May drayber nakaka 3 stoplight na eh nakahinto pa rin sila para mag abang ng pasahero. (Nakakainis di ba lalo na kung nagmamadali ka or kung mukhang guilty ka na, pipigilan mo na lang)
17) May drayber na tulad ni #16 tapos kapag nilayasan ng pasaherong nagmamadali eh sya pang galit na kala mong sya lang ang may karapatang magreklamo.
18) May drayber na walang pakundangan sa pagharurot kasehodang naka red na ang stoplight. (Byaheng langit ba?!)
19) May drayber na nagsosoli ng bayad kapag nakitang kakilala nya ang pasahero (sana madalas akong makasakay sa ganitong drayber hehe)
20) May drayber na nag ka cutting-trip kapag baha/trapik sa daanan nya at magpapalipat ng pasahero sa ibang jeep.
21) May drayber na tulad ni #20 pero hindi binabalik ang bayad ng pasaherong pinalipat sa ibang jeep (ang kafal ng fez!!!)
22) May drayber na akala mo tren ang dalang sasakyan dahil hihinto sa bawat kantong madaanan nya para mag-abang o kumuha ng pasahero..(tsk..tsk..isa pang badtrip to!!!)
23) May drayber na nagpapapalit ng barya sa kapwa drayber nya.
24) May drayber na tumatangging magpalit sa drayber #23 kahit na meron pa syang barya.
25) May drayber na sobra kung maningil ng pasahe.
26) May drayber na kabaligtaran ni #25 na minsan eh sobra pang magsukli ng pasahe.

Salamat sa ating friendly neighborhood na si Manong Jeepney driver dahil sa tulong nila eh nakakarating tayo sa dapat nating patunguhan. :D

Posted by starlight at 4:45 pm | permalink

Add a comment