Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Hanger…iwasan ang dapat iwasan..

Hanger…iwasan ang dapat iwasan..

August 27, 2009



Alam mo ba yung feeling ng iwanan kang bigla sa ere ng isang taong ineexpect mo ay sasaluhin ka any moment na mahuhulog ka sa isang sitwaysong akala mo eh andun sya para sa iyo? Masakit di ba? At kung di mo pa ito nararanasan, masakit sya sinasabi ko na sayo. Ano ka hanger na pwedeng isabit na lang sa isang sampayan kung di ka nya gagamitin, tapos huhugutin ka ulit sa sampayan kung kailangan ka na nya? Badtrip di ba? Ang kapal ng fez ng mga ganung klaseng tao.
Hay ano ba yan puro na lang sentimyento ang napopost ko dito sa blog ko lately ah? Di bale im sure marami namang nakakarelate at nakakaranas ng ganito eh. Paano mo maiiwasan ang ganitong klaseng tao? Ilan lamang ang mga sumusunod na tips para makaiwas sa isang taong gustong iwasan:
1) Kakuntsabahin ang katrabaho/kasambahay/kakilala na wala/busy or may pinuntahan ka sa kung saan, kapag tumawag ang taong yun sa bahay nyo or sa opisina.
2) I set na ang “appear offline only to this person” sa mga list of contacts mo sa YM (dun lang sa iniiwasan mo ha..)
3) Pwede ring i block na lang din yun ym account nya sa YM mo
4) Dedma at umastang nakikipag chikahan sa kasamahan kung mapapansin mong magsasalubong ang inyong mga landas sa daan
5) At kung wala namang kasama ay magtatakbo na tila parang may hinahabol na oras or late na sa pupuntahan
6) Kung kakausapin ka at hindi pwede ang Tip #4 and #5, magkakaripas ng takbo at magpasintabi sa taong iniiwasan na nababanyo ka na at di mo na kaya, kaya di kayo makakapag usap.
7) Kung nauna kang makakita sa kanya habang naglalakad eh biglang lumiko at umiba ng landas na tatahakin (hehe ang lalim nun ah) basta lumiko sa kanto o magtago para hindi ka nya makita
8) Idelete ang number nya sa list ng contacts mo sa celphone para pag nag txt sya sa iyo eh ang isasagot mo ay “HU U” for sure di na yun mag tetext back.
9) O kaya naman eh i-edit ang contact name nya sa iyong celphone para alam mong sya na yung nag tetext or tumatawag sayo, anytime pwede mo ng i cancel ang tawag nya or idelete na lang ang txt messages nya.
10) Kung hindi talaga makaiwas sa taong yun at hindi mo maiapply ang Tip #1 - 9, eh diretsahan mo ng sabihin sa taong yun na iniiwasan mo sya at ayaw ng makausap ever…

Goodluck na lang din mga kapatid, i hope nakatulong ang mga tips na ito sa inyo para maiwasan ang isang taong gusto nyong iwasan.

Posted by starlight at 12:58 pm | permalink

Add a comment