No Choice? It’s your choice…
August 6, 2009
Guilty ako dito sa situation na ganito. Actually lagi ko ngang sinasabi kapag nagigipit ako sa isang situation na hindi ko gusto eh “No Choice Eh”. Eh pwede ba namang no choice? Di ba in every situation dapat laging may pagpipilian? Either kung ang setup ay hindi pwede sa option A dapat meron laging option B or option C or D. Isa lang ako sa napakaraming tao na duwag na makipagsapalaran, kung baga laging on the safe side. Yun bang hindi mo kayang panindigan ang mga bagay na gusto mo. Eh kasi nga “No choice eh”, o heto na naman ako sa pagsasabi ng no choice eh may choice ka nga, duwag ka lang. Oo na duwag na kung duwag pero minsan rin kasi mas kampante ka kung steady ka lang eh, yun bang walang masyadong complications sa buhay, go with the flow kumbaga. Pero minsan kasi kakasunod mo sa flow,hindi mo namamalayan eh naliligaw ka na pala. Yun bang hindi ito yung gusto mong landas na tahakin. (naks ang lalim nun ah), pero dahil nga sa nadala ka na ng agos sa landas na hindi mo gusto, para bang natatakot ka ng mag counter flow sa malakas na agos na nagdadala sayo? Teka nakakarelate ka rin ba? Alam mo yung situation na hindi mo gusto pero magbebenifit ka dun pag yun ang pinili mo or yun bang choice na gusto mo pero daming affected at talo ka in the end. Im sure dinanas mo rin ito or kasalukuyang dinadanas gaya ko. Nakakatakot di ba? Kumbaga steady ka lang at nasasabi mong masaya ka naman sa kung nasan ka ngayon pero ito ba talaga ang gusto at plinano mong puntahan? Marami rin kasing factors na nagcocontribute para masambit mo ang mga katagang ” No Choice eh’. Pwedeng “No Choice” kasi yung agos na sinundan mo eh nagbigay naman sayo ng magandang trabaho, kahit na hindi naman ito ang plinano mo. Pero kung tutuusin “No Choice” ka rin kasi sa hirap maghanap ng trabaho ngayon at dahil na rin sa recession eh stick ka na lang sa kung anong meron ka ngayon tutal natutustusan mo naman ang mga pangangailangan mo eh di ba? Hirap ng sumugal ngayon, na hanapin pa ang pinapangarap mong trabaho sa hirap ng panahon ngayon…nakakatakot..or kaduwagan lang ito? Anu pa man ang dahilan, ang lahat naman ay walang kasiguraduhan eh. Maaring kapag ang pinili mo ay option A ngunit hindi rin ito akma sa kagustuhan mo, or kapag pinili mo ang option B maaring may masasabi ka pa rin na hindi mo gusto. We’ll never know unless we try..kaya lang hindi naman pwedeng lahat ng choice eh mapili mo dahil baka mas lalo kang ma lost kung lahat eh susubukan mo hehe, lumalabas na wala ka ng contentment nun sa buhay. Wag nyo sana masamain, pero ito ay sarili ko lamang pong opinion. Isa lang ang alam kong sigurado, God always have good plans for all of us, at yun ang di natin dapat na kwenstyunin, all we have to do is to have faith. And im sure whatever your choice is, you will learn from it and other people will also get the chance to learn from your experiences. Whatever your choice is, as long as wala kang nasasagasaang ibang tao and happy ka go for it (or kahit na hindi ka na happy at labag sa kalooban mo pero ito ang bumubuhay sayo). HIndi mo namamalayan na yung choice na pinili mong hindi mo gusto noon eh napamahal na rin sayo ngayon.


