Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Salamat Tita Cory..

Salamat Tita Cory..

August 4, 2009



Hindi ko sya kamag-anak, at hindi rin nya ako kilala personally, pero Tita Cory ang tawag ko sa kanya, gaya na rin ng pagtawag sa kanya ng nakararami. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi lamang nya binuksan sa publiko ang kanyang buhay, ibinahagi nya rin ito sa lahat ng mga pilipino. Nagsilbi syang isang inspirasyon sa karamihan na sa kabila ng pagdurusa isa lamang ang ating makakapitan, at yun si GOD. Sa kanyang pagpanaw marami ang nakidalamhati, nakiramay at nagluksa, marami ring nagbahagi ng kanya-kanyang kwento about tita cory, kung gaano sya kabuting tao hindi lamang sa pamilya nya kundi pati na rin sa mga taong nakakakilala sa kanya. Isa syang mabuting ehemplo, isa syang mabuting lider ng ating bansa, isa syang mabuting kaibigan, isa syang mabuting kamag-anak, isa syang mabuting kasamahan sa trabaho, isa syang kabalikat ng mga relihiyoso, bukod sa aking mga nabanggit mas humanga ako sa kanya bilang isang mabuting INA. Hindi ko idol si Kris Aquino pero namangha ako sa kanya kung gaano nya ipagmalaki ang kanyang ina at kung gaano nya ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal. Kaya nafeel ko ng husto ang pain na dinadala nya dahil sa pagpanaw ng kanyang INA.

Tita Cory maraming salamat sa naibigay mong contribution sa ating bansa, sa pagturing sa mga pilipino bilang mga anak mo na handang sumuporta at ipaglaban ang katotohanan sa mabuti at makataong pamamaraan.

Surely you will always be remembered. May you Rest in PEACE…

Posted by starlight at 8:32 pm | permalink

Add a comment