Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Reunion…(naexperience mo na ba?)

Reunion…(naexperience mo na ba?)

July 31, 2009

Exciting kapag may reunion..Reunion sa school, mga alumni, reunion ng barkada, family reunion, reunion ng mga fans club at kung anik-anik pang mga pagtitipon kung saan magkakasama at magkikita kayo ulit ng mga kakilala mong pagkatagal-tagal ng nawalay sayo. Actually ako naexperience ko ng pumunta ng mga reunion, barkada reunion at family reunion. Ang hindi ko pa naeexerience eh ang magpunta sa mga alumni at school reunions at yung reunion ng fans club kasi wala naman akong fans club (hehehe). Base kasi sa mga naririnig ko na naka experience ng magpunta sa mga school reunions eh syempre bukod sa nagbago na ang mga hitsura ng mga kaklase mo eh yung iba eh nagbago na rin pati ang personality at estado nila sa buhay. Kadalasan daw kasi sa mga ganitong klaseng pagtitipon, mapapansin mong ang mga dumadalo lamang eh yung mga kaklse mong may mga naabot sa buhay (yung may mga sinasabi kumbaga). Yung mga nakapag tapos ng kolehiyo, na nagkaroon ng maayos at magandang trabaho, mga kaklaseng may mataas na posisyon sa kumpanyang pinapasukan nya, mga kaklase mong meron ng sariling business, may magagarang mga sasakyan, nakapag-asawa ng mayaman at mga kaklse mong nakaaangat sa buhay. Bihira ka daw makakita ng kaklaseng hindi nakatapos at pinalad na magkaroon ng magandang kapalaran. Pero ano nga ba ang intensyon ng pagkakaroon ng reunion? Sa aking sariling pananaw sa mga nakausap kong naka experience na nito eh masasabi kong nakakailang din na magpunta lalo na’t hindi ka kasing asensado ng katulad sa mga kaklase mo. Bukod sa hindi ka makakarelate sa kanilang mga usapan, parang maaawa ka pa sa sarili mo kapag nakausap mo sila na malaki na ang ipinagbago ng takbo ng kanilang pamumuhay, yung tipong maunlad na sila at naabot ang mga pangarap pero ikaw, tila iniwasan ka ng swerte at tumatamasa pa rin ng hirap sa buhay. Sa mga ganitong tagpo hindi mo maiaalis ang ma insecure, mainggit (plastic na lang ang magsasabing ok lang sa kanya at hindi sya affected sa mga ganitong klaseng tagpo). Syempre anjan na ang mag self-pity at magtanong kung saan ka ba nagkamali at san ka nagkulang lalo na kung nagsipag ka naman at hindi ka rin nagpabaya? Bakit pinagkaitan ka ni tadhana ng isang magandang buhay na pinapangarap mo rin gaya ng mga kaklse mong maunlad na ngayon? Kung sakaling mapunta ka sa ganung reunion normal lang ang makaramdam ka ng ganung feeling, tao ka lang naman eh, syempre kaya nga may emotions eh di ba, para magrespond sa mga situation na binabagayan nito. Pero syempre after mong ma feel yung pagkadepress, hindi naman pwedeng dalhin mo na ang depression na ito hanggang sa paguwi mo sa bahay at isipin ito hanggang pagtulog at baunin pa ang emotion na ito habambuhay. Mali naman yun di ba? Maganda rin ang mga ganitong klaseng tagpo dahil magagamit mo ito at magsisilbi pang inspirasyon sayo para mas lalong magpursige, magsipag, at mas lalong magtiwala sa kakayahan mo. Pero hindi ito magbibigay sayo ng garantiya na magiging kasing unlad mo ang mga kaklase mo. Sa puntong nainpire ka at namotivate ang sarili na mas lalong magpursige, ay dapat na itong ikonsiderang achievement mo. Dahil hindi ka nagpadala sa negative emotions na una mong naramdaman sa una nyong pagkikita. Kailangan lang na maging positive tayo sa ating mga sarili. Kasi madami raw ang namamatay sa inggit dahil ang inggit ay isa sa napakaraming sanga ng kasalanan. Tama ba? Basta kapag nagpunta sa reunion, mag enjoy ka, makipagkwentuhan ka, makihalubulo, make new friends at alalahanin ang mga magagandang pinagsamahan nyo (pati ang mga kalokohan, crushes, kaaway, fave teacher, fave tambayan, fave kainan) nung magkaklase pa kayo, kung sa tingin mo eh hindi ka makarelate sa mga kwento nila dahil sa kanilang pagbabago, eh di magkwento ka rin ng mga experiences mo, im sure kung makikihalubilo ka sa kanila eh marami ka ring matututunan mula sa mga experience nila at ganun din naman sila sayo. Kung natapat ka naman sa isang kakilala mong sobrang lakas ng ere at bagyo ang daladala (kayabangang taglay) mula ng pagdating nya eh iwasan na lang ito kung di mo feel dahil baka masira pa ang araw mo dahil sa kanya (hehehe). Im sure hindi naman lahat eh ganun ang pag uugali di ba? Di bale kapag naka experience na akong makaattend ng grand reunion sa school ikukwento ko kung tama ba lahat ng nakuha kong impormasyon sa mga nauna ng naka attend nito. At babalitaan ko rin kayo. Basta kita-kits na lang din dito ha…Share nyo rin reunion experience nyo kung meron man. Salamat…

Posted by starlight at 10:42 am | permalink

Add a comment