Artista Fan ka ba?
July 20, 2009
Artista fanatic ka ba? Kung taglay mo ang mga sumusunod na katangian eh malamang nga na isa kang Die-Hard, Ultimate, Solid, Fantastic, Original, Everlasting, Adik fan ng isang artista.
1) May collection ng mga litrato ng iyong idolo (pocket size, wallet size. 3R, 4R etc. the best kung meron kang standy nya as in life size na larawan nya)
2) May autograph ka ng idolo mong artista (either sa notebook, tshirt, palad, magazine, tissue paper, scratch paper or pinunit na papel or kahit sa likod lamang ng resibo, masabi lang na may autograph ka nya)
3) Bumibili ng mga produktong iniindorso ng idolo mong artista kasehoda pang iba ito sa nakasanayan mo ng ginagamit
4) Laging nanunuod ng mga pelikula ng idolong artista, kahit pa hindi type ang storya at ang cast basta kasali ang idolo, Go lang ng Go to watch the movie…
5) Bumibili ng albums o kumpleto ng mga albums kung singer at VCD/DVD kung may movie ang idolo na minsan ay may kasamang autograph pa kapag nakabili nito sa mga mall shows.
6) Maagang nakapila/ nag-aabang, nanunuod at nakikipag siksikan sa mga mall shows, mall tour ng idolong artista/mang-aawit.
7) Bumibili ng mga magazines basta may picture ang idolo kahit na kapiranggot lamang ang litrato nya eh bibilin pa rin ang mga ito…
8) Gumagawa ng collage out of the pictures na gupit from the magazines, tabloid at iba pang babasahin kung saan may larawan ang iyong idolo.
9) Nakikipag balyahan sa mall shows ni idolo para lang makakuha ng posters, t-shirts, pocket size pictures at iba pang souvenirs, related ito sa entry #6.
10) Puring-puri ang idolo sa tuwing lalabas ang mga commercials nito sa telebisyon or maging sa sinehan, pati na rin ang mga nakapaskil na mga billboards sa lansangan at malls.
11) Nagpapapicture katabi man or ginagawang background ang mga posters, standy at billboards ng idolo
12) Nakaregister sa mga forum ng idolo para makichika at makiupdate sa mga tulad mong uber sa kaadikan sa iyong idolo
13) Nakapaskil sa kwarto ang mga posters ni idolo, ginagawa rin itong wallpaper sa computer, minsan naman pati avatar sa YM eh mukha ni idolo ang nakalagay.
14) Kinakabisado ang mga kanta ni idolo, or kung minsan kinakabisado ang ilang famous lines sa pelikula ni idolo.
15) Ipinapangalan ang mga anak sa idolo (kawawa naman amg mga walang laban na mga anak kung sa paglaki nila ay di na ito sikat or masagwa ang pangalan ni idolo hehehe..)
16) Nakikipag away sa ibang mga fans ng ibang artista/singer kung inaapi, inaalipusta at nilalait ang iyong idolo.
17) Nagpupunta sa mga taping/shooting ng idolo, at nakabantay hanggang mapackup na ang shooting/taping abutin man ito ng madaling araw.
18) Isa ka sa mga sumisigaw ng kanyang pangalan kapag meron syang mga live TV guestings.
19) Minsan sobrang kinikilig at tuwang tuwa sa paggising at magkukwentong napanaginipan nya si idolo.
20) Kabisado ang profile ng idolo, to the point na mas kabisado mo pa ang bday nya kesa sa bday ng iyong kapamilya at mga kaibigan.
21) Kung mayaman, nagpapadala or nagbibigay ng mga bagay gaya ng (stuff toys, frames ng pictures nila at iba pang mga mamahaling bagay) sa idolo. (sosyal na fan ka talaga…)
Ano taglay mo ba ang mga katangiang nabanggit ko? Minsan uber na rin kung taglay mo ang lahat ng ito. Magkaroon ka naman ng sarili mong buhay, dahil mahirap yang umiikot na sa idolo mo ang mundo/buhay mo. Ok lang ang humanga at gawin silang inspirasyon, pero wag naman to the point na maging dahilan ito ng ikakapahamak mo. Hinay-hinay lang kapatid at tao rin silang gaya mo. Pare-parehas lang tayo kaya dapat ay bigyan din natin sila ng pantay na pagtingin tulad ng pagtingin mo sa sarili mo. Isa lamang itong paalala sa mga kakilala kong nagtataglay ng ganitong mga katangian…peace mga kapatid….


