A Painful Discovery…
July 17, 2009Haysss, di ko alam kung anong mararamdaman ko.. May natuklasan akong isang bagay na napakasakit para sa akin. Hindi ko matanggap ang natuklasan ko. Pero anong gagawin ko? Natatakot ako sa mga pwede kong gawin at pwedeng gawin sa akin ng discovery ko na iyon. Sa ngayon para akong nakalutang sa kawalan, at nagninilay nilay kung bakit sumapit sa ganun ang discovery ko na iyon. Ano ang naging pagkakamali at kasalanang nagawa para sapitin ang ganung pangyayari? Saan at sino ang may pagkukulang? Bakit? Paano? At Kailan pa? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa akin sa ngayon. HIndi ko mapigilang lumuha at magdamdam dahil sa tingin ko hindi ko deserving ang ganung klase sa natuklasan ko. Maaring wala pang kumpirmasyon sa discovery ko na iyon pero malakas ang kutob ko, at natatakot ako sa kutob ko na iyon. HIndi ko alam talaga kung anong gagawin ko. Sana lang hindi ko na natuklasan ang napakasakit na discovery na yun, pero baka may dahilan kung bakit sa isang iglap ay bumulaga sa akin ang napakasakit na discovery na iyon. Saan ako magsisimula? Paano ko lulutasin ito? Hanggang kailan ako magtatanong? Kailan ko mahahanap ang kasagutan? Kaya ko ba ? O Makakaya ko kaya ito? Sino ang tutulong sa akin? Kanino ako hihingi ng tulong? Napakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan. Sana lang makaya ko ang unos na ito. Sana..Lord tulungan mo ako, alam kong hindi ko ito kaya ng mag-isa. Salamat at lagi kang anjan, hindi mo ako iniiwan sa ere at alam kong hindi mo ako iiwan lalo na ngayon…
Salamat din sa blog na ito, kahit papano nailalabas ko lahat ng hinaing at problema ko…Sa mga mambabasa ko…salamat din sa pang-unawa…pasensya na kung medyo mabigat ang post ko ngayon. Sadyang dumarating lang talaga na ang lahat ng tao ay humaharap sa iba’t ibang klase ng problema. Ipagdasal nyo na lang na sana ay malampasan ko ito. Salamat…



Thanks for taking this opportunity to discuss this, I feel fervently about this and I like learning about this subject.
Posted by Coach Outlet Canada at April 26, 2011, 11:08 am