ANAK, KAPATID at AMA
July 8, 2009Nakakaiyak naman ang mga tagpong aking napanuod sa memorial services ni Pareng Jacko…Actually hindi ko naman napanuod lahat dahil nakatulog na ako sa sobrang kaantukan. Pero ang isa sa mga clips na napanuod ko at talagang pinanuod ko sa internet ay ang message ni Paris sa kanyang yumaong ama.
“I just wanted to say … ever since I was born, Daddy has been the best father you could ever imagine. And I just wanted to say I love him — so much,” said Jackson’s 11-year-old daughter, Paris-Michael, before dissolving into tears and falling into the embrace of her aunt Janet.”
Nakakaiyak ang eksenang ito kahit na tumagal lamang ng ilang segundo. Naramdaman ko kung gaano nya kamahal ang kanyang ama at kung gaano nya ito namimiss ngayon pa lang.
Nalulungkot ako sa sinapit ni Pareng Jacko…Maraming taong nagmamahal sa kanya and yet marami ring taong humuhusga sa kanya ng hindi nila alam ang mga totoong pangyayari sa kabila ng mga naglalabasang masasamang balita tungkol sa kanya. Bilib ako kay Pareng Jacko, kung paano nya prinotektahan ang kanyang mga anak, na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya, nagawa nyang maging isang mabuting ama sa kanila. Isa syang inspirasyon para sa akin..at sa lahat ng nagmamahal sa kanya.
Hindi lamang sya isang singer, composer, artista at businessman, isa rin syang taong may magandang loob para tumulong at magkawang-gawa sa mga nangangailangan, at higit sa lahat isa syang ANAK, KAPATID at AMA.


