Troubled…
June 30, 2009Ano ba tong bumabagabag sa isipan ko? Di ko maintindihan eh, naguguluhan na naman ako, nakakapag-isip isip ng mga bagay na makakatulong sa sarili ko. Sino nga naman ba ang makakatulong sayo di ba kundi ang sarili mo lang. Kailangan lang ay lakas ng loob at tibay ng dibdib, kapal ng mukha at tatag ng sikmura. Teka meron ba ako ng mga nabanggit kong yun? Mukhang wala ah, hayss down na naman ang feeling ko ngayon. Siguro dala na rin ito ng pabago-bagong panahon natin sa ngayon. Minsan ang tindi ng sikat ng araw na halos maglawa na ang kili-kili mo sa pawis dala ng sobrang kainitan, minsan naman sa kalagitnaan ng matinding sikat ng araw eh biglang bubuhos ang isang malakas na ulan, na di mo alam kung saang ulap nanggaling. Sunod lang sa flow sabi ng ibang taong nakapaligid sa akin, pero hanggang kailan ako susunod sa agos na ito? Hanggang kailan ako magiging sunud-sunuran sa mga sasabihin at ididikta ng iba? Hanggang kailan ako magiging duwag?
Kakayanin ko hanggang sa makakaya ko… Susunod ako hanggat may susundan ako…Lord tulungan mo ako na maging matatag, kailangan ko po ng lakas, naniniwala po akong kaya ko ayon sa aking sariling kaalaman, kakayahan at limitasyon…
Paalam Pareng Jacko…
June 26, 2009Michael Jackson confirmed dead…at 2:26 pm (June 25, 2009) at a hospital in Los Angeles after reportedly suffering a cardiac arrest.
Nakakalungkot naman na kahit hindi kami close ni Pareng Jacko eh im sure isa sya talagang malaking kawalan sa Music Industry. Ako nga eh nalulungkot rin sa maagang pagkawala nya dito sa mundong ibabaw, lalo na siguro yung mga avid fans nya na simula nung bata pa sya eh talagang nakasuporta na sa kanya. Para sa akin isa talaga sya sa masasabing Legend na pagdating sa Showbiz/Music Industry, napakaraming kanta nya ang super naging patok hindi lang sa Tate kundi sa buong mundo. Napakarami rin nyang kanta na very inspiring at tungkol rin sa ating environment. Mamimiss ko sya, kahit na hindi na sya ganun ka visible sa TV eh, iba pa rin yung alam mong buhay pa sya. Kahit na kinuha na sya ni Lord, hindi pa rin matatawaran ang naging kontribusyon nya sa bawat umiidolo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin, ang mga iniwan nyang alala ay hindi makakalimutan ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Paalam Pareng Jacko, ikaw lang ang nag-iisang KING OF POP!!!
Nakikiramay ako sa pamilya, kaibigan, fans, at napakaraming supporters worldwide ni Pareng Jacko. May he rest in peace.
Just an ordinary antok day…
June 25, 2009Grabehh ang araw na ito…ginawa ko ng lahat ng mga steps para mawala ang aking antok eh super antok pa rin ako… Siguro dala na rin ng panahon natin ngayon kung saan malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang mga ulap. Nakakaengganyong pumikit,sumandal/humiga/sumubsob sa desk at matulog. Pudpod na nga ang kantang Jai Ho na mp3 ko eh at paos na rin si Nicole kaka ulit sa kanta pero antok pa rin ako. Mahaba-haba na rin ang nilakad ko kung susumahin ang parun at parito ko sa CR pero antok pa rin ako. Mas lalong nakakadalang matulog lalo na’t nasa harap ko ang bintana at kitang kita ko ang makulimlim na ulap na tila nagtutulak sa akin na matulog na. Di bale malapit na naman ang oas ng uwian eh, im sure pagdating ko nito ng bahay eh wala na ang aking antok.
Memory Gap…
June 23, 2009Bawal ang pork, bawal ang beans, bawal ang ganito, ganyan at ganun!!!…anu ba yan ang dami namang bawal. Pero di ba nga kung anong bawal daw eh masarap at nakakaenjoy gawin? Gaya na lang sa pagkain. Ang sarap ng ice cream, chips, chicharon, balot, balat ng manok, chocolate, taba ng baboy sa sinigang….pero bawal ito sa mga taong may altapresyon at sakit sa puso. Pero karamihan pa rin sa mga taong may ganitong karamdaman eh walang pakundangan pa rin sa pagkain ng mga pagkaing ipinagbabawal na sa kanila. Katwiran nila? Minsan lang tayong mabubuhay kaya dapat sulitin na bago pagsisihan ang lahat. Well may punto naman sila dun..bakit mo nga naman idedeprive ang sarili mo sa masasarap na pagkaing ito eh masarap sila at gusto mo silang kainin. Pero syempre kailangang mag-ingat, ok lang kung bata ka pa at malakas pa ang pangangatawan mo na kaya pang tunawin ang makakapal na taba sa mga kinakain mong pagkain. Pero kung ika’y may edad na at may dinaramdam aba kailangang maawat ka na sa kahibangan mong yan, kailangan mo ring isipin na maghinay-hinay sa mga bagay na bawal sayo. Panandaliang sarap pero habangbuhay na hirap naman ang idudulot nito hindi lang sayo kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sayo.
Mag-ingat ito lang ang aking paalala, sa panahon ngayon bawal ang magkasakit, hindi naman bawal ang mag-enjoy eh pero kailangan sa bawat pag-eenjoy natin eh isipin natin ang mga bagay na idudulot nito sayo after di ba?
Naguguluhan sa isang kaguluhang magulo…
June 17, 2009“Doing what you love and loving what you do..”Ito na marahil ang pinakamagandang statement na pwede kong sabihin sa isang taong nagnanais na umunlad at may makamit na maganda sa kanyang buhay. Very inspiring at may balance pa. Gusto ko syang gawing motto ko pero parang di ko ma apply eh, ewan ko kung bakit. Naguguluhan ako eh, sa kung ano talaga ang gusto ko na makakapagpasaya sa akin at kung mapapasaya ba ako ng gusto ko. Magulo ba? Oo magulo talaga kasi kahit ako gulong gulo na eh. Masaya nga ba ako o hindi? Bakit ako masaya kasi ano eh! ah ehh..?!
Hayss ang gulo, di ko alam kung saan ako mapapadpad sa pinili kong landas na ito. Pinili ko nga ba ang landas na ito or ako ang pinili ng landas kung nasan at ano ako ngayon? So far ok naman talaga sya kasi kung icocompare ko sa iba ok naman talaga.. Pero yung masaya ako. Alam ko naman na masaya ako pero di ko masyadong ramdam na masaya ako. Magkaiba yun di ba? Kung ano yung alam mo sa kung ano yung nararamdaman mo?
Sana lang di ko pagsisihan kung ano man ang landas na pinili ko or sana hindi ako nagkamali sa pagtanggap ng landas na syang pumili sa akin.
Pasensya na kung pati ikaw nadamay sa kaguluhang ito.. wala akong intensyong guluhin ka pero gaya nga ng nasabi este nasulat ko kanina gulong gulo lang talaga ako hehe..gulo noh..
Movie Time..(Drag Me to Hell)
June 12, 2009We had a barkada gimik today. And as usual enjoy at sobrang saya namin kahit 4 na lang kami na laging gumigimik (makukulit kasi at cowboy lahat). Eating, and non-stop chikahan talaga everytime na nagkikita kami. And we watched a movie. “Drag Me To Hell” yan ang title hehe akala mo super horror ang movie. Umpisa pa lang eh medyo scary na sya kasi may gulat effect ang mga scenes pero all the while eh yung mga tingin mo eh mga seryosong scenes eh nagiging comedic. As in nakakatawa sya, more of nakakatawa kesa nakakatakot. Pero enjoy sya kasi ang ingay sa loob ng sinehan gawa ng mga ibang nagsisigawan sa mga nakakabiglang scenes. Well bukod pala sa mga nakakabigla at nakakatawang scenes eh meron ding mga nakaka eeewwww na scenes basta eeewww sya, hindi naman nawawala sa mga horror films yun eh di ba? Pero enjoy ang movie, walang dull-moments. (This is just my opinion) Ewan ko lang sa ibang mga nakapanuod kung same ang reviews namin. Basta if you want a horror, comedy film this movie is for you =)
User Friendly or Friendly User???
June 10, 2009Sa panahon natin ngayon, masasabi nating may mga tao talagang user..as in kaibigan ka lang kapag may kailangan sila sayo or kailangan lang nila ng makakausap at makikinig sa bawat hinagpis, hinaing at problema nila sa buhay. Kapag feeling mo eh ok na sila at masaya na sila sa buhay nila eh biglang mag didisappear na lang ng walang pasabi or dedma ka na lang sa kanila, para silang isang bula na bigla na lang maglalaho. Ewan ko ba, kung sa bagay iba iba naman ang klase ng tao eh, pero bakit nga ba ganun? Kaibigan nga ba silang matatawag? Di naman sa nagdadrama ako or nag-iinarte. Pero aminin man natin at hindi ay merong mga ganitong klaseng tao na nakakasalamuha or nakasalamuha na natin sa buhay. Bakit ko ba naisip at naisulat ang mga ganitong klaseng bagay?
Siguro may isa lang akong taong namimiss na madalas eh nakakausap ko at nakakakwentuhan ko halos araw-araw. Syempre kaibigan ko eh, kaya siguro ganito ang napi-feel ko (tampo mode). Pero sana anu’t ano pa man, sana ay lagi syang nasa mabuting kamay. Syempre concern pa rin naman ako sa taong ito nasaan man sya.
Nasanay lang din siguro ako ng madalas syang nakakausap, at nakakakwentuhan ng kahit na walang ka kwenta kwentang bagay ay napag-uusapan namin. Malamang eh may dahilan kung bakit di na sya nagpaparamdam. Pwedeng putol or sira lahat ng lines for communication, o sira ang computer, o walang load, o madalas lang mag brownout sa lugar nila kaya di makapag online, pwedeng nasa isa syang mahabang bakasyon kung saan walang signal sa lugar na yun at marami pang ibang dahilan ng di nya pagpaparamdam.
Anyways sa tagal na rin naming di nakakapag-usap eh medyo nasanay na rin ako. I’ll just wish that person well, at sana ay lagi syang maging masaya. At sana nga ay natagpuan na nya yung kasiyahang matagal na nyang pinapangarap.
Goodluck na lang din and God Bless sa taong yun…hanggang sa muli…
Note to God…
June 4, 2009A Note To God
If I wrote a note to God
I would speak what’s in my soul
I’d ask for all the hate to be swept away
For love to overflow
If I wrote a note to God
I’d pour my heart out on each page
I’d ask for war to end
and for peace to mend this world
I’d say
I’d say
I’d say
Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue
And it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
If I wrote a note to God
I’d say please help us find a way
End all the bitterness, put some tenderness
in our hearts
I’d say
I’d say
I’d say
Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue
And it looks like we haven’t got a clue
Need some help from you
Grant us the faith to carry on
Give us hope when it seems all hope is gone
Cause it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
No
No
We can’t do it on our own
So
So
(Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue)
And it looks like we haven’t got a clue
Need some help
Grant us the faith to carry on
Give us hope when it seems all hope is gone
Cause it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
No
No
(No)We can’t do it on our own
(So)
So
If I wrote a note to God
==================================
I really love this song, well aside from the fact that this is a song from Charice (one of my fave singer in her generation today), this song really inspires me in my everyday life. It only means that whenever, wherever i can always talk to HIM and ask for guidance. And say Thank You for all the Blessings that He has given me.
That in God everything is possible, if we just BELIEVE.
Have a Blessed day to all of you…


