Dear Ate Charo…
July 22, 2008Habang sinusulat ko itong post ko ngayon, eh nagbibigay ako ng advise sa isang matalik na kaibigan… Problemang puso eh, so kailangan ng karamay at shoulder to cry on. Well, i may not be always available, pero kung libre naman ako basta ba kailangan nila ng taong masasandalan, makikinig, mapaglalabasan ng lungkot at problema narito lang ako. Ano pa’t naging kaibigan ako kung wala akong pakialam sa kanila di ba? So ayun na nga syempre ako si bigay ng payo..kesyo gawin mo to, gawin mo yan (be strong, be positive and live a happy life). Ang taray di ba? Napaka common ng advise ko hehehe.
Pero sa kabila ng lahat ang saya sa pakiramdam na alam mong nakakapagpagaan ka ng loob ng iba, na kahit papano napapasaya mo sila kahit sa mga simple at maliliit na ways lang. Ganun naman ang kaibigan eh, sandalan at iyakan sa oras ng problema, at kakulitan sa oras ng saya. Ang galing ko mag advise, feeling ko ako si Ate Charo kasi ang husay ko sa pagbibigay ng payo, pero wag ka, ni di ko ma apply sa sarili ko yung ibang naipapayo ko. Well ganun yata talaga yun, lahat tayo good adviser sa iba pero sa sarili hindi.
Tama nga naman, sa kabilang banda, lahat naman tayo eh may Ate Charo sa ating mga buhay, anjan ang magulang, kapatid at mga kaibigan na pwedeng takbuhan sa oras ng pangangailangan at handang umalalay sayo at magbigay ng mga payo (gaya ng ginagawa ko ngayon).
So paano, hanggang sa susunod kong post.
Nagmamahal,
Ate Charo
(Charing!!!! )



