Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » July 2008

Dear Ate Charo…

July 22, 2008

Habang sinusulat ko itong post ko ngayon, eh nagbibigay ako ng advise sa isang matalik na kaibigan… Problemang puso eh, so kailangan ng karamay at shoulder to cry on. Well, i may not be always available, pero kung libre naman ako basta ba kailangan nila ng taong masasandalan, makikinig, mapaglalabasan ng lungkot at problema narito lang ako. Ano pa’t naging kaibigan ako kung wala akong pakialam sa kanila di ba? So ayun na nga syempre ako si bigay ng payo..kesyo gawin mo to, gawin mo yan (be strong, be positive and live a happy life). Ang taray di ba? Napaka common ng advise ko hehehe. 

Pero sa kabila ng lahat ang saya sa pakiramdam na alam mong nakakapagpagaan ka ng loob ng iba, na kahit papano napapasaya mo sila kahit sa mga simple at maliliit na ways lang. Ganun naman ang kaibigan eh, sandalan at iyakan sa oras ng problema, at kakulitan sa oras ng saya. Ang galing ko mag advise, feeling ko ako si Ate Charo kasi ang husay ko sa pagbibigay ng payo, pero wag ka, ni di ko ma apply sa sarili ko yung ibang naipapayo ko. Well ganun yata talaga yun, lahat tayo good adviser sa iba pero sa sarili hindi.

Tama nga naman, sa kabilang banda, lahat naman tayo eh may Ate Charo sa ating mga buhay, anjan ang magulang, kapatid at mga kaibigan na pwedeng takbuhan sa oras ng pangangailangan at handang umalalay sayo at magbigay ng mga payo (gaya ng ginagawa ko ngayon).

So paano, hanggang sa susunod kong post.

Nagmamahal,

Ate Charo :D (Charing!!!! )

Posted by starlight at 8:06 pm | permalink | comments[1]

Mother Knows Best…

July 17, 2008

Mother knows best, and for me she doesn’t only know the best,  she as my mother is absolutely the BEST. She may not be a perfect mother but for me she’s almost perfect. I could not ask for anything more kasi God gave me the Best Parents. Understanding, kind, napakasipag, maaalalahanin, maaruga, maasikaso, maprinsipyo, very loving, matapang, marunong makipagkapwa tao, magaling makibagay at makisama, matiisin, isasakripisyo ang lahat mapabuti lang ang pamilya, isusubo na lang nya ang pagkain ibibigay pa nya sa aming mga anak nya (what more can i say, napakaswerte namin at sya ang nanay namin ^_^ ) pero syempre dahil sa hindi sya perfect, meron din syang mga flaws at kakulangan which makes her more of the Best mother for me. I can’t compare her to others kasi unique sya, and God created her para sa mga unique na anak nya na tulad ko :) Minsan may mga misunderstandings at awayan, kadramahan at kalokohan sa buhay, eh hindi naman nawawala yun sa isang pamilya, which makes us stronger and keeps the family more binded. Mama is not only my mother but she’s also my ate and my best friend. And hindi ko man laging nasasabi sa kanya ito, i love her very much and i don’t know kung anong kalagayan ko d2 sa earth kung hindi sya ang Mama ko.Thank you Mama for all the LOVE…and let me say this to you..(saksi ang lahat ng mga bumabasa nitong blog ko..)

I LOVE YOU VERY MUCH…

You’re THE BEST and may God always guide you and give you good health, mwah !!!

Note: This post is intended only for my mother, syempre may separate entry si Papsy :D

Posted by starlight at 7:41 pm | permalink | Add comment

Not feeling well :(

July 12, 2008

As of this moment hindi maganda ang pakiramdam ko.. In english “Im not feeling well today”. Ewan ko ba, dala na siguro ng stress. Stress sa iba’t ibang bagay.. Stress sa work, sa bahay, sa lovelife (lovelife daw ohh… reason din ba yun?). Anyways pahinga lang ang katapat nito…konting control sa mga medyo nakakastress na mga bagay at gawain..Control na sa paglalaro hehehe…hilig ko kasi ito eh, akala ko stress reliever sya di rin pala, mas lalo akong nastress kasi nga tutok ako masyado sa pagpatay…(pagpatay ng mga mobs/monsters sa game) hehehe…

Live a balance life gaya na nga ng nasabi ko sa previous posts ko. Eat healthy and right, exercise, get enough sleep, relax and enjoy lang para maiwasan ang status na “Not feeling well” sa YM.

 So paano ingat… :D

Posted by starlight at 3:13 pm | permalink | comments[2]

Reward…

July 9, 2008

Masarap sa pakiramdam kung makatanggap ka ng reward. Reward dahil mataas ang grades mo sa school, reward dahil magaling kang kumanta, reward dahil marami kang na accomplish sa work, reward dahil nakagawa ka ng mabuti sa ibang tao. Well ok na rin yung reward na mga material na bagay, pero the feeling itself na makagawa ka ng mabuti at makatulong sa iba, rewarding na di ba? Mag excel ka sa mga ginagawa mo at tulong ka sa kapwa mo ng hindi naghahangad ng reward, mas masarap sa pakiramdam yung mismong galing sa sarili mo at nasa puso mo ang ginagawa mo. Bonus na lang kung may matanggap kang reward.

Just a friendly reminder para sa ating lahat. God Bless Us All… :D

 

 

Posted by starlight at 7:01 pm | permalink | Add comment

KSP (Kulang sa pansin) ???

July 3, 2008

Bakit nga ba may mga taong nakakairita na, mas gumagawa pa ng way para makairita at makainis pa sya ng ibang tao? Natanong ko ito dahil meron akong isang taong laging nakakasabay sa FX papasok ng trabaho, ewan ko ba nagkakataon talaga na kapag maaga akong pumapasok eh nakakasabay ko yun. Bat ko nasabing nakakairita? Ganito kasi yun, lagi nyang hawak ang kanyang celphone, so madalas syang nag tetext sa kahabaan ng byahe. Ok lang naman sana yun kasi may mga tao talagang mahilig mag text, pero ang sa tingin ko na hindi normal eh yung tapusin mo yung buong incoming texttone mo na pagkalakas-lakas bago ka mag press ng keypad mo. Ok lang din sana kung yung texttone mo eh yung default lang na 2 beeps lang, ang kaso mo isang buong kanta ang texttone nya. In fairness maganda naman yung song kung isang beses mo lang pakikinggan, ang kaso mo sa dalas nyang mag text at sa dalas ng incoming text nya nakakairita na talaga na paulit-ulit yung kanta, na nakikipag kumpetensya pa sa lakas ng radyo ng FX yung volume (minsan naman walang sounds sa FX kaya yung celphone nya lang ang maingay). At ito pa syempre sa byahe may mga taong ang ugali eh umidlip di ba? Kung nakikita naman nya sanang may natutulog ano ba naman yung i silent mode na lang at i-on yung vibrate ng kanyang celphone para di naman masyadong nakakaabala din sa ibang pasahero. Ang kaso hindi rin eh, minsan pati sya nakakatulog sa byahe na kung minsan eh talagang from start-chorus-ending ng tone nya eh tulog sya. Hindi ko tuloy malaman kung may problema sya sa pandinig or ugali na nyang mambwisit ng iba or talagang agaw eksena (in short KSP) lang sya? Obvious ba na naging successful sya sa pambubwisit, at isa na ako sa nabiktima nya. (Tao lang minsan kasi nakakapuno na rin eh) Pero ano pa nga bang magagawa ko, kundi ang magpasensya na lang sa tuwing makakasabay ko sya di ba? Basta dedma na lang, mukhang masasanay rin ako sa kanya kung lagi ko syang makakasabay hehehe.

Posted by starlight at 9:03 pm | permalink | comments[1]

It’s good to be back…even for just a while…

July 2, 2008

Really, masarap ang feeling to be together again with your friends. Sa sandaling panahon atleast na feel mo pa ring welcome ka  at kahit papano eh na feel mong namiss ka rin nila..(Mangilan-ngilan siguro hehehe..) Basta ang dami ko ring namiss d2, kahit saglit pa lang akong nawalay sa kanila, namiss ko talaga sila. Syempre iba pa rin kasi yung pinanggalingan mo eh, iba talaga yung bonding, may lalim na kumbaga, para na kayong magkakapatid. Pero minsan okrin yung once in a while eh nagkakahiwalay kayo para may time pa rin na mamiss nyo ang isa’t isa. To give way in meeting and making new friends,pero di naman ibig sabihin nun eh forget mona yung old friends, yun ang hinding hindi mangyayari. Syempre i value friendship…no stir…walang halong biro…yun ang totoo.
Basta para sa akin enjoy this moment , enjoy this day muna….because for now they’re saying "Welcome Back" but later it’s "Farewell" again.

And let me say "Thank you my friends and until next time…"

Posted by starlight at 10:55 am | permalink | comments[1]