Time….is Gold
May 30, 2008What Is Time?
Ayon sa ScienceDaily (Apr. 15, 2005) — The concept of time is self-evident. An hour consists of a certain number of minutes, a day of hours and a year of days. But we rarely think about the fundamental nature of time.
Continous ang paggalaw/pag usad ng time, ang pag tick ng clock and we can never turn back the hands of it. So we must spend our time wisely. Spend it with your loved ones before it’s too late. Kadalasan kasi sa mga taong busy sa trabaho nakukulangan pa sila ng oras para gawin ang mga trabaho nila, mas may oras pa sila sa work kesa sa pag spend ng quality time sa mga mahal nila sa buhay. Pwede namang magkaroon ng balance, time management ika nga. Kaya naman yun eh kung gugustuhin eh di ba? Nasa tao lang naman yun eh kung gusto rin nya ng may quality time for the family/friends and time for work. Mas maganda ang ganung klaseng lifestyle na meron ka para mas humaba pa ang buhay mo. Mahirap naman na 1 sided lang na puro work ka na lang and wala ng pleasure. Maaga kang malalagutan ng hininga nyan, kawawa ka at hindi mo man lang naenjoy ang lahat ng pinagtrabahuhan mo. At hindi lang yun, hindi natin alam kung anong mangyayari sa future, kaya payo ko lang pahalagahan ang oras.
Every second counts so don’t waste it. Make the most out of it, para wala tayong pagsisihan sa bandang huli.
It’s your call, it’s your choice. Time is Gold…
NoseBleed.. =(
May 26, 2008Nose Bleed…Bakit nga ba kapag nag eenglish tayo eh lagi na lang natin sinasabing nagdudugo ang ilong ko or nagnonosebleed tayo. May scientific explanation ba na kapag nag english ka eh mag nonosebleed ka?
Or sadyang ganun lang talaga ang nasasabi ng mga kagaya kong hindi kagalingan sa english na kailangan ng blood donor kasi magiging anemic ka sa pag iisip ng tamang word para ma express ang sarili mo in english. Pero sa mga taong fluent at sanay mag english, carry na lang hehehe. Ok lang naman yan as long as nakakaintindi ka at kahit papano eh naeexpress mo ang gusto mong sabihin in English. Bakit naman sa ibang bansa bihira rin sa kanila ang nakakaintindi at nakakasalita ng english pero maunlad pa rin ang economy nila. Pero big factor talaga na alam mo ang international language which is English. Malaking tulong sya lalo na kapag nasa ibang bansa ka.
Marami pang advantage kapag marunong kang mag English.
1) Advantage kapag nag aapply ng work, lalo na kung sa Call Center ang papasukin mo.
2) Makakasurvive ka sa ibang bansa na English ang ginagamit na language kapag marunong kang mag english. Madaling makipag communicate.
3) Maaappreciate ang mga English movies, sitcoms, shows na di na binabasa ang subtitles sa tagalog.
4) Maappreciate rin ang mga english books, magazines, encyclopedia at kung anu-ano pang english na babasahin.
5) Madaling intindihin ang subject na Math at Science kung english language ang gagamitin.
6) Madaling makahanap ng foreigner na kachat sa mga chatrooms.
7) Kapag sosyal ka at nagsosyal sosyalan madalas ring gamitin ang english language.
Mas maigi at malaking advantage talaga kung marunong tayo mag English, pero sana naman wag rin nating kalimutan ang sariling wika natin.
Ano pa man ang mangyari, I’m Proud to be a Filipino…(sabay english hehe) Cheers !!!!
Pressure….
May 23, 2008Pressure…
I hate pressures, sino ba naman ang may gusto nito di ba? Pero di naman maiiwasan ito eh, bigla na lang syang darating ng di mo inaasahan. Syempre hindi ka naman laging naka ready para harapin ito, kasi nga bigla na lang itong bubulaga sa iyo ng wala kang kamalay-malay (ito man ay maging isang sitwayon, bagay or tao) .
Just treat it as a challenge, kapag nalampasan mo naman ang ganitong situation eh for sure mas magaan sa pakiramdam dahil may bago ka na namang natutunan.
Take it easy, relax and have a kitkat…Part na talaga ng daily life natin ang pressure at stress, yun nga lang we have to deal with it, and cope up para naman hindi tayo magkasakit.
Sa mga tulad kong nakakaexperience ng ganitong situation. Goodluck and goodluck, yun lang ang masasabi ko…Aja!!! Kaya natin to… Cheers !!!!
Antok…zzzZZZZ
Antok…ako ay isang taong antukin…Mas gusto ko pang matulog kesa ang sa kumain (pero di ibig sabihin nun eh hindi ko gustong kumain).
Hindi maiiwasan at malalabanan ang antok lalo na sa mga panahon ngayon na malamig at maulan.
May mga panahon na kailangang labanan ang antok lalo na kung ikaw ay nasa opisina, syempre kailangan mong mag trabaho para kumita di ba? Anu-ano nga ba ang mga pwedeng gawin para makaiwas sa pagkaantok.
1) Tumayo sa kinauupuan at maglakad-lakad (Mag akyat-baba sa hagdan para ma exercise)
2) Manghila ng kaopismeyt para magawa ang step#1 syempre mas nakakawala ng antok kapag may kasama ka kung gagawin ang step#3
3) Chumika, manggulo at makipagbalitaktakan sa mga ka opismeyts (syempre gawin ito kapag wala ang boss)
4) Kung may pantry, magpunta ng pantry, magtimpla ng kape at uminom ng kape (kundi mahilig sa kape uminom ng malamig na tubig para magising ang dugo
5) Mag-ayos ng mga papeles or gamit na nakakalat sa table
6) Tumawag sa telepono at kausapin ang mga taong matagal mo ng di nakakausap (kumustahin sila at tanungin kung inaantok rin sila gaya mo)
7) Basahin ang status ng mga nakaonline sa YM at tingnan ang mga avatars (pictures na nakapost) at mag comment
8) Kung maswerte ka at may access ka sa internet (magbasa-basa ng mga kapakipakinabang na pwedeng mabasa dipende sa hilig mo mapanews,sports or showbiz chika man yan, kung talagang mas malakas ka pa at pinagpala mag browse sa youtube at friendster, pwede ring mag blog hopping tulad ng ginagawa mo ngayon)
9) Makinig sa mp3 na nakasave sa computer mo (mas maganda kung mga rock music tapos malakas ang sounds para sure na gising ka)
Ikaw anong ginagawa mo para maalis ang antok mo?
Haysss nakakaantok naman….ikaw hindi ka ba inaantok?
Sige gagawin ko muna ang steps 1-9 ha para magising dugo ko…Try mo rin baka makatulong ang mga steps. =)
= Music in My Heart =
May 21, 2008Music plays a big part in my life…Obvious ba music lover ako eh…as in, yun nga lang hindi ako marunong mag play ng mga musical instruments gaya ng iba. Although my gitara ako na i think eh mahigit kumulang ng isang taon sa akin, pero till now eh wala pa rin akong alam ni isang pyesa na pwedeng matugtog. Hilig ko ring kumanta, pero sa tingin ko yung kanta ay walang hilig sa akin.
Anyways maiba naman ako, Walang kulay ang buhay para sa akin kung walang music. Music has different genres and types.
And below are some of the genre na patok sa aking panlasa, este pandinig pala…
-
Rock/Alternative Rock/Pop Rock - Ito ang kadalasang pinakikinggan ko kapag medyo badtrip ako or medyo wala sa mood. Well minsan kapag maganda yung melody at trip kong pakinggan pwede na rin.
-
Ballad/Mellow/Love Songs - Madalas ko rin syang pakinggan, kapag medyo trip kong magmuni-muni at magpaka senti.Kapag tipong gusto mong gunitain ang nakaraan (or balikan ang nakalipas) or kung gusto mong hanapin ang sarili mo dahil nawawala ka na sa sirkulasyon sa dami ng iyong problema (tamang mag eemote ka lang habang nakikinig ng ballad or mga mellow songs) bagay sa iyo ang mga ganitong type ng music. Hindi lang naman pang inlove ang love songs di ba? Pwede rin ito sa mga taong mahilig sa mga senti, sa mga taong sawi, umaasa pa at nalipasan na ng panahon.
-
Upbeat/Dance - Mas masaya kasi pakinggan ang mga ganitong klaseng tugtugin nakakaindak at nakakarelease ng stress. Nakakatuwa rin minsan ang mga ganitong music sumisikat ng husto lalo na kapag sinasayaw ng mga sikat na artista either kapamilya or kapuso (si Marianne Rivera, Mark Herras, UD4 to name a few) patok na patok ito lalo na sa mga kabataan. Mas ok rin ang ganitong music kung nageexercise ka, or naglilinis ng bahay mas ganado kang kumilos di ba?
-
Pop/RnB - Sa lahat ng genre ito ang pinaka favorite ko, ewan ko basta favorite ko to, Yung RnB naman cool din pakinggan lalo na yung mga bago ngayon bukod sa maganda yung melody ok rin ang lyrics.
-
Classical Music - Hindi ako masyado into classical music although meron akong isang paboritong pakinggang yung Canon, ang ganda kasi ng melody nya at nakakarelax.
Classical music din ang kadalasang pinakikinggan ng mga buntis, nakakatulong sa development ng brain ni baby. (O divah may trivia pa hehe)
Habang lumilipas ang panahon, may changes man sa style ng mga singer, mapabanda man yan or solo artist, at sa tema/style ng mga composer sa pag create ng music hindi maikakaila na ang music ay part na talaga ng buhay ng bawat isa sa atin.
Lahat naman tayo eh may kanya-kanyang favorite, or theme song ng buhay. Corny man pero ganun talaga, aminin mo man o hindi may kantang sobrang nakakarelate ka at babagay na theme song ng buhay mo.
By the way I have also uploaded/shared some of the songs that i enjoyed listening to. (just click/visit my Audio page)
Enjoy and Happy Listening =)
Steps to happiness…paano nga ba?
May 16, 2008I like reading inspirational stories, quotes and poems, masaya eh, nakakagaan ng feeling, pag emotional or depressed ka or walang magawa, magbasa ka lang ng mga short stories mas magiging positive ang tingin or outlook mo sa buhay…Share ko lang ang poem na ito about "Steps to happiness". Paano nga ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Steps to Happiness
Everybody Knows:
You can’t be all things to all people.
You can’t do all things at once.
You can’t do all things equally well.
You can’t do all things better than everyone else.
Your humanity is showing just like everyone else’s.
So:
You have to find out who you are, and be that.
You have to decide what comes first, and do that.
You have to discover your strengths, and use them.
You have to learn not to compete with others,
Because no one else is in the contest of *being you*.
Then:
You will have learned to accept your own uniqueness.
You will have learned to set priorities and make decisions.
You will have learned to live with your limitations.
You will have learned to give yourself the respect that is due.
And you’ll be a most vital mortal.
Dare To Believe:
That you are a wonderful, unique person.
That you are a once-in-all-history event.
That it’s more than a right, it’s your duty, to be who you are.
That life is not a problem to solve, but a gift to cherish.
And we’ll be able to stay one up on what used to get us.
- Father Pat
(http://www.inspirationalarchive.com/texts/topics/happiness/stepstohappiness.shtml)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tama naman di ba? Para sa akin walang perpektong tao, kaya kailangan nating taggapin kung ano ang mga strengths and weaknesses natin. Magkakaiba tayo, ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahan, meron akong mga bagay na kayang gawin na hindi kaya ng iba. Meron akong mga bagay na nakakamit na hindi nakakamit ng iba and vice versa. Gusto kong magpasaya ng iba, pero sinong magbibigay ng kasiyahan sa atin? Pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay ang higit na nakapagpapasaya sa atin at hindi materyal na bagay lang . Gusto kong mainspire din kayo sa poem na ito tulad ko. Matuto tayong pahalagahan at mahalin ang ating mga sarili, dahil ito ang unang hakbang para makamit natin ang true happiness.


