Steady lang..
September 14, 2010Sa ngayon steady lang ako..sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko ng mga nakaraang araw, heto medyo coping up na. Siguro nakapag isip isip na rin ako ng mga bagay bagay na makakatulong sa akin para ma divert into something positive ang kalungkutan ko. Masyado na bang emo tong blog na ito? Pasensya na po ah pero tanging ang blog na ito lang ang outlet ko para marelease ko kung anong mga nararamdaman ko sa buhay. Mabalik tayo sa steady lang..steady meaning walang movement,
walang motion, walang galaw galaw..steady.. pero ang boring pag steady ka lang nohh.. kaya lang ganun talaga. May punto talaga tayo sa buhay na steady lang tayo..as is..yun bang masaya na tayo sa mga nangyayari sa buhay natin sa araw araw kahit pare-pareho lang naman ito. Hindi lahat ng gusto mo pwede mong makuha…Kahit na ano pang gawin mo..kahit na maglupasay ka pa sa kinatatayuan mo..kung hindi ito para sayo wala kang magagawa…Of course nakakatulong ang prayers, kaya lang may mga bagay na hinihiling tayo pero hindi ibig sabihin ay maiibibigay itong lahat. May rason kung bakit hindi yun ibibigay.. May naalala tuloy akong song…
Nakakalito ang mundo…kung sinong mahal mo syang ayaw sayo…wag sanang masayang itong damdamin ko para sayo…
Old school pero maraming nakakarelate di ba?
Well nakakalito talaga ang mundo..pero eventually..habang lumilipas ang mga araw..marerealize mo kung bakit hindi sya
napunta sayo..Pwedeng:
> may mahal na syang iba bago ka pa nya nakilala
> may feelings pa rin sya para sa ex nya at umaasa pa syang magkakabalikan sila
> di pa sya totally recovered sa past relationship nya
> kaibigan lang ang turing nya sayo
> parang kapatid ka lang para sa kanya na masasabihan ng mga problema nya sa buhay
> worst parang parent lang ang tingin nya sayo dahil ulila na syang lubos
> pwedeng nag aalinlangan syang iparamdam ang feelings nya sayo kasi magkaibigan kayo at ayaw
nyang baka masayang at mauwi lang sa wala ang friendship nyo
> pwede ring baka natatakot sya sayo kasi baka mabasted sya
> maaaring malayo ang age gap nyo na pwedeng maging dahilan ng di nyo pagkakaunawaan
> nag-aaral pa sya kaya di ikaw ang priority nya
> maganda ang takbo ng career nya at hindi ikaw ang priority nya
> ayaw ng parents nya sayo
> strict ang parents nya
> naipagkasundo na sya sa iba
> mangingibang bansa na sya at di nya kaya ang long distance relationship
> may nahanap na syang iba na mas mahal nya kesa sayo (ouch!!)
> nakabuntis sya at kailangan nyang pananagutan (ouch ulit!!)
> and the list goes on..and on..and on…madami pang rason kung bakit hindi pwedeng maging kayo.. in short..
YOU’RE NOT MEANT TO BE.. sorry ha all caps haha..hindi naman po halatang bitter ako nohh..pero marami talagang rason..
Kailangan lang talagang buksan ang mga mata at talasan ang pag-iisip natin para hindi tayo mabulagan at ma conquer ng nararamdaman natin.
This way magkakaroon tayo ng balance.. love and life balance.. Tama nga ang iba..hindi lang naman nakasentro sa lovelife ang buhay ng tao..pero kailangan natin ito para magkakulay ang ating mundo.. sounds cheesy pero totoo… para sa taong nagmamahal at minamahal..mapalad kayo kasi nakakaramdam kayo ng love…kung makulay ang lovelife nyo..cherish nyo yan..pahalagahan at alagaan…hindi lahat ng tao nabibigyan ng magandang relationship..so don’t waste it…
At para naman sa mga taong wala pang lovelife..wag mawalan ng pag-asa..darating din ang para sayo..Magtiwala ka lang..magiging masaya ka rin..Maaaring hindi pa ngayon..pero in the near future..pinagdarasal din yun kaya prayers kailangan yan…at the same time i-enjoy mo lang ang buhay mo..mapalad ka rin at wala kang sakit..buo ang pamilya mo..may marangal kang trabaho..madami kang loyal friends..nakakapag malling ka..nakakanuod ka ng sine..nakakapamasyal ka..nakakabili ka ng gusto mo..nakakapag computer ka..nababasa mo ang blog ko at madami pang iba na hindi rin nagagawa ng mangilan ngilan sa ating mga kababayan..Kaya wala ka man lovelife..busog ka pa rin ng kaswertihan sa buhay..kaya wag ng malungkot..pero di naman bawal malungkot tao ka lang eh…just believe in positivity..gaya ng lagi kong sinasabi… basta live life to the fullest..para no regrets
God bless..and may you have a nice day =D
Haysss…
August 28, 2010
Star ng Pasko
December 15, 2009It’s the season to be jolly, pralalalala lala la la..December na grabehhh ang bilis ng panahon. parang kailan lang ng pumasok ang 2009, tapos ngayon malapit na syang magtapos, at papalitan na ni 2010. Pero bago magpalit ng taon, namnamin natin ang papalapit na araw ng pasko, syempre birthday ni Bro kaya dapat magsaya at magdiwang. Alam ko may mga taong hindi magawang magsaya dahil sa mga masasakit, mahihirap, kahindik-hindik at nakaka traumang pinagdaanan nila. Pero sana bigyan pa rin natin ng puwang sa ating mga puso ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam kong mahirap at syempre hindi mo rin naman magagawang pilitin silang magsaya dahil sa pagdadalamhati nila. Nakikiisa pa rin ako sa pagdarasal na sana maging maayos ang lahat. Lagi kong winiwish ang inner peace para sa lahat.
Kasi damay damay na yan eh, pag may inner peace ka, andun ang love at pagpapatawad. So kung may inner peace, makakamit natin ang world peace. May sense ba? Wala lang gusto ko lang na maramdaman pa rin ng bawat isa ang tunay na meaning ng christmas at sana sa kabila ng mga magaganda, malungkot, masakit, matamis, mapait, maasim na mga pangyayari sa ating buhay, andun pa rin yung faith natin kay God. Dahil sya talaga ang reason kung bakit nabubuhay tayo sa mundong ito. Si bro ang star ng pasko. Love one another, let’s make love and peace, not war.
==============
Star ng Pasko (Lyrics)
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig ngayon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’s makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
==========
Love the song…heartwarming at very inspiring…
Merry Christmas Everyone
My Precious Gift.. (As reuested by Shiela)
November 20, 2009My Precious Gift..
What a joyous moment..
What a precious gift..
Heaven Scent from up above..
You complete my life i say out loud..
I’ll be there to protect you..
Nobody can even harm you..
I’ll take care of you..
This i’ll promise you..
As time passes by..
I will never get tired..
Even if i grow old..
My love for you will never be cold..
===========
Hi Shiela, this poem is for you…sorry ha super late ng reply ko..pero sana magustuhan mo para sa son mo..Thank you ulit sa pag bisita..natutuwa ako at kahit papano nakakainspire ako ng ibang tao thru my poem..Thank you very much and God Bless..
Poem for my Best Friend…
November 19, 2009Happy Birthday: My Best Friend…
I have a best friend..
And this poem is made specially for her..
She’s always there when i need her…
She’s with me always with open arms…
Someone whom i can always talk to..
Someone i can share secrets too..
Someone whom i can depend on..
Someone that i can always get along…
She cares for me and treats me as her little sister..
She protects me from those who are bitter…
She gives advise when i have problems..
She stays with me when i can’t take it any longer…
She’s with me thru the good times..
She’s with me thru the bad times…
She’s with me in happiness…
She’s with me in sadness…
We have a lot of things in common..
And that when we’re together nobody else can summon…
For we have this strong foundation at all cost…
And so proud to say that until now we’re here for each other..that’s what matters most…
There are days that are not ok with us..
Sometimes we quarrel for things that sometimes hurts us..
But still we find ways to solve and patch things up…
Problems are nothing and this will not cause our frriendhip to tear up…
I am thankful to God that i have met her..
I am grateful to God that i found her…
We’re already friends when we are teeners..
And for sure friendship will last until when we’re older…
Thank you sis for the friendship..
Trully this i will cherish..
No matter what happens i’ll always be right here…
Together hand in hand there’s nothing to fear…
======================================
Happy Birthday To my One and Only Bestfriend. this poem is for you..
Excited..
October 22, 2009Excited, excited, excited…wala lang excited lang ako..I just wish, hope and pray na maging maganda ang panahon sa mga susunod pang araw.
Kwentuhan ko na lang kayo kung saan at bakit ako excited ha….until my next post.. God Bless
The Power of Love…
October 14, 2009
Ganun na lang ba kadali yun? Ang tanong ng iba, ang alin ang madali? Uso pa ba ang panliligaw ngayon? Or hindi na? Alin ba ang mas ok? Ang manligaw sayo at ipakita lamang ang mamagandang ugali sa stage ng panliligaw tapos magugulat ka na lang sa mga di kagandahang ugali nya pag naging kayo na? Or ang maging magkaibigan at makilala nyo ang isa’t isa at automatic eh kung feel nyo ang isa’t isa eh kayo na? Iba na talaga ang henerasyon ngayon, ibang iba na sa kung anong mga ginagawa noong sinauna’t panahon pa ng lolo at lola ko. Pero kahit ano pa mang pamamaraan yan eh nasa nagdadala pa rin yan ng relasyon at jan masusubukan ang power of LOVE and DESTINY. (more…)
Mabuhay ng 100 yrs old, posible ba?
October 7, 2009
Posible daw ayon sa aking nabasa. Ito po yung link nung nabasa ko http://health.yahoo.com/experts/drmao/19787/how-to-live-to-100/ , para sa mga gustong mamuhay ng hanggang 100 yrs old. Isa-isahin ko na rin ang mga tips from this site para maexpress ko rin kung anong opinion ko or translate ko na lang din hehe.. (more…)
(Blangko)….
October 5, 2009Blangko ang utak ko ngayon, wala akong maisip na magandang topic na pwedeng maipost sa blog na ito. Blangko rin ang isip ko habang ako’y nasa byahe gawa ng matinding pagkaantok. Blangko rin ang isip ko at tila parang nakalutang habang nakatitig sa kawalan. Hindi po ako nakadrugs, hindi po ako lasing at lalong hindi rin po ako adik. Marahil may hang over pa ako sa nagdaang kalamidad kaya feeling ko ay na wash away din ng baha yung mga ideas na pwede kong ibahagi sa inyo ngayon. Although di naman ako ganun kaapektado ng kalamidad matindi pa rin ang naging impact nito sa akin. Gaya nga ng nasabi ko sa previous post ko, maraming realization ang aking napagtanto, na mahalaga ang buhay.. Pag-ingatan natin ito at gawin natin ang tama at makabubuti hindi lamang sa pansariling kapakanan natin kundi para makatulong at maging inspirasyon sa ating kapwa. Salamat sa pagbisita, sana next tym may maisip na akong magandang topic na pwede kong maishare sa inyo. Have a nice day po sa lahat and God Bless…
Very Tragic Tragedy…
September 29, 2009
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. (more…)


